Marcos Lawyer Expose the "Lies & Ignorance" of VP Leni's Lawyer, Atty. Macalintal

Veteran lawyer of former Sen. Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong made another expose on his latest social media post showing the alleged "lies and ignorance" of Atty. Romulo Macalintal. VP Leni Robredo's lawyer stated in an interview with the media that evidences presented by Marcos were fake or fabricated.


Atty. Macalintal said in an interview that the evidences presented by Sen. Marcos fake as he was quoted as saying "lubhang katawa-tawa kung hindi man tahasang walang kabuluhan." Atty. Macalintal added further that "Itong dokumentong ito ay peke o fabricated. Gawa-gawa lang. Ito ay minamachofacture lamang para palabasin na kunwari ay may dayaan" Macalintal said.

Atty. Chong was also surprised with out-of-this-world statement of Atty. Macalintal about the non-existent "machofacture" word during one of his interview.

The veteran lawyer of Sen. Marcos also explained that maybe Atty. Macalintal did not understand the automated election system, as he suggested that the older lawyer of VP Leni should tried to read first before speaking in public in order not to embarrass himself. Atty. Chong was quoted as saying "Kung hindi man siya lalabas na sinungaling, walang ibang natitirang paglalarawan sa kanya kundi mangmang o walang alam," Atty. Chong said.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

KASINUNGALINGAN O KAMANGMANGAN

Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, ang ebidensiyang diumano ay ipinakita ni BBM bilang patunay ng dayaan sa halalan ay “lubhang katawa-tawa kung hindi man tahasang walang kabuluhan.” 

“Itong dokumentong ito ay peke o fabricated. Gawa-gawa lang. Ito ay minamachofacture lamang para palabasin na kunwari ay may dayaan” sa vice-presidential elections noong 2016, dagdag pa ni Macalintal.

Ano kamo? Machofacture? Saang planeta ba galing ang abogadong ito? Walang katagang “machofacture” sa wikang Englis. Baka manufacture ang ibig niyang sabihin. Pagbikas pa nga lang mali na, paano na lang kaya ang kanyang argumentong peke ang ebidensiya ni BBM?

MALI RIN! MALING-MALI!

Kung hindi man naintindihan ni Mac ang automated election system, sana nagbasa muna siya dahil kung putak lang ng putak ang bibig niya, mapapahiya lang talaga siya. Kung hindi man siya lalabas na sinungaling, walag ibang natitirang paglalarawan sa kanya kundi mangmang o walang alam.

Mali ang pinagbasehan ni Mac sa kanyang alegasyon na pineke ni BBM ang ebidensiyang ipinakita sa publiko. Ang kanyang pinagbasehan ay ang orihinal na balotang papel na ginamit ng botante. Sinabi niya na binura raw muna ang oval bago nilagyan ng square saka pa sinerox upang ipakitang may dayaan. Walang binura sa ebidensiya ni BBM dahil hindi balotang papel ang ipinakita kundi ang printed copy ng digital ballot image mula sa SD card mismo. Dahil ang oval ay light red o orange, hindi talaga ito makita sa black and white ballot image scan. Sa colored scan, makikita ito. Kaya walang binura sa ipinakitang ebidensiya.

Printed copy ng digital ballot image ang ipinakita ni BBM at hindi balotang papel dahil may Vote Summary na kalakip ito. Walang Vote Summary sa balotang papel dahil hindi naman nagdala ng calculator o nagbilang ang botante kung ilang boto na ba ang minarkahan niya at gumawa ng vote summary sa kanyang balota. Ang Vote Summary ay gawa ng makina at nasa digital ballot image ito. Kaya mali talaga ang pinagbasehan ng mga alegasyon ni Mac.

Dahil ang ebidensiya ay mula sa SD card mismo, hindi maaring si BBM ang maglagay ng square dahil ang SD card ay hindi niya hawak. Tanging ang Comelec lamang ang may hawak nito. Bantay-sarado nga ang lahat ng mga SD cards. At ang Comelec ay kakunchaba ng kampo ni Robredo. Umabot lamang ang mga ebidensiyang ito sa kamay ni BBM dahil humiling siya ng decryption at pinayagan ng PET.

Dahil galing mismo sa Comelec at PET ang mga ebidensiyang ito, sa tingin ba ninyo ay “i-machofacture” o peke-in ni BBM ang mga ito gayong ang orihinal na kopya ay hawak ng Comelec at PET? Sa ganitong sitwasyon, madaling mabuking si BBM kung ito ay kanyang gagawin. Walang takot na isiniwalat ni BBM ang mga ebidensiyang ito dahil alam niyang Comelec at PET ang kanyang source mismo. Walang peke sa mga ito.

Kaya kung hihiling si Mac na mag-imbestiga ang Comelec at PET, by all means, go ahead! Natitiyak kong walang manginginig sa takot sa kampo ni BBM dahil totoo ang mga ipinakita niya. Tingnan natin kung mag-iimbestiga ang Comelec at PET. Katunayan, tikom-bibig ang Comelec at walang reaskyon sa mga ebidensiyang ito dahil alam nilang nahuli na naman ang kanilang tampering ng mga ballot images. Kaya nga ayaw ibigay kay BBM ang kanyang binayarang kopya dahil may anomalya nga na makikita. Kung hindi nag-ingay si BBM, hindi ibibigay sa kanya ang mga ito.

Kung hindi man ito tahasang kasinungalingan, ito ay kamangmangan o mula sa utak na walang kaalam-alam.

Watch the Video Posted by Atty. Glenn Chong on Atty. Macalintal's Statement:



Source: Atty. Glenn Chong

No comments:

Powered by Blogger.